Linggo, Agosto 2, 2015

ANG TUTUBI AT ANG PARUPARO

ANG TUTUBI  AT ANG PARUPARO

Isang araw habang naghahanap ng makakain  si tutubi nakita siya ni  paruparo na  naninipsip sa mga nektar ng nagagandahang mga bulaklak.
“Oy, tutubi  san ka pupunta? Halika muna dito at tingnan mo ang aking makulay na pakpak.” Sabi ng paruparo habang paikut-ikot sa  harap ng tutubi.
“Wala akong oras kaibigang paruparo, kailangan ko pang maghahanap ng makakain at ako’y nagugutom na,” sagot naman ng tutubi.
“Sus! Naiinggit ka lang sa maganda kong pakpak eh. Tingnan mo nga iyang sayo walang kakulay-kulay,”  pang-uuyam pa ng paruparo.
“ Wala akong magagawa dahil ito ang ibinigay ng Diyos sa akin at saka isa pa  kuntento ako sa kung anu ang meron ako. At saka  sa halip na magyabang ka , magpasalamat ka dahil nabigyan ka nito na wala sa iba,” mahabang litanya ng tutubi.  
“Ay ,  wala akong pakialam  sa sinasabi mo tutubi, basta ang mahalaga sa akin ako ang may pinakamagandang pakpak.”  Pagyayabang pa rin ng paruparo sabay lipad. Naiwan naman si tutubi na napapailing na lang sa inasta ni paruparo.
  Sa  sumunod na araw habang  namamasyal ang tutubi, nakita niya si paruparo sa isang tabi at mukhang  malungkot.
“Oh , kaibigang paruparo  bakit ka malungkot may maitutulong ba ako?” tanong tutubi.
 “Tama ka kaibigang tutubi, hindi dapat ipinagyayabang  ang meron tayo na wala sa iba at sa halip magpasalamat. Nasira ang aking pakpak nang hilahin ito ng isang bata kahapon habang ako’y naglalro sa  may hardin,” malungkot na pahayag ng paruparo.
“Wala ng magkakagusto sa akin ang pangit na ng pakpak ko, at nahihiya  ako sa iyo kaibigang tutubi,” pahayag ng paruparo.

 “Nandito lang ako kaibigang paruparo, hindi batayan ang itsura sa pakipkipagkaibigan ang mahalaga ay ang nilalaman ng iyong kalooban.

Martes, Hulyo 28, 2015

ANG NAKAPUTING BABAE SA MAY TULAY

 ANG  NAKAPUTING  BABAE  SA  MAY  TULAY
                                                                                                               
Ang lugar, mga tauhan at ilang pangyayari sa kwento ay hango sa

tunay buhay. May mga bagay o pangyayari sa mundong 

ating ginagalawan,ang hindi natin lubos na maipaliwanag. 

Maaaring ang ilan sa atin ay naniniwala at ang ilan naman ay 

hindi naniniwala sa mga ganitong uri ng kababalaghan. Nasa atin 

na lamang kung ano ang persepsyon natin sa mga ganitong bagay, 

batay na rin ating sariling pananaw at karanasan.


Sa Calayan, isang isla sa hilagang Luzon, ay karaniwan na ang mga

ganitong pangyayari o kababalaghan. Ang isla ng Calayan ay hindi 

pa ganoong kaunlad. May mga barangay pa ring hindi naaabot ng 

kuryentena nagmumula sa NAPOCOR (nagsusuplay ng kuryente sa mga 

kabahayan) na hanggang 6:00 ng gabi haggang 12:00 lamang ng 

umaga. Maagang natutulog ang mga tao sa lugar na ito. Sa 

barangay ng Magsidel, takot ang mga tao na gabihin sa daan, 

dahil mayroon daw  nakaputing babae na bigla na lang lumilitaw na

nakalutang sa hangin sa tabi ng tulay tuwing gabi.

“Pangasinan” ang tawag nila sa daan na iyon madilim, masukal,

maraming naglalakihang puno sa magkabilang gilid nito, at may 

malaking tulay malapit rito. Sinasabing pinamumugaran  ng maligno

ang naglalakihang puno ng balete. Kaya walang masyadong 

nagpapagabi ng uwi, kung ginagabi man sila sa pagpunta sa sentro 

o kabayanan kailangan nilang gumamit ng  motor o di kaya’y 

traysikel. Kapag dumadaan na sa parteng iyon biglang binibilisan 

ang pagpapatakbo sa takot na makita ang nakaputing babae. Minsan 

bigla na lang namamatay ang makina ng sasakyan pagkatapat sa 

 daan na iyon. Marami na rin ang naaaksidente sa bahaging iyon 

ng daan.


Si Mark at Jessa ay mga mag-aaral sa sekondarya. Minsa’y ginabi 

sila ng uwi dahil sa mga aktibidad na isinagawa sa eskwelahan. 

Nag-aabang sila ng masasakyan pauwi. Ngunit isang oras na silang 

nag-aabang wala silang makuhang sasakyan. “Jessa, maglakad na 

lang kaya tayo kaysa naming abutin tayo ng hating gabi sa daan. 

Wala namang sasakyan,” pahayag ni Alden. “Sigurado kang 

lalakarin natin hanggang Pangasinan?Hindi ka ba natatakot doon?” 

ani Jessa.”Ano ka ba ngayon mo pa ba uunahin iyang takot mo? 

Gabi na, kung maghihintay pa tayo ng masasakyan baka aabutin na 

tayo ng umaga rito,” tugon naman ni Mark.“Sige, kung ganun 

simulan na nating maglakad, basta  magkwetuhan na lang tayo ng 

mga nakakatuwang kwento para hindi natin alintana angtakot 

natin,” ani naman ni Jessa. Nagpatuloy ang dalawa sa 

paglalakadhabang nagkukwentuhan at nang makarating sila sa 

bahaging iyon ng daan ay napakadilim. Tanging ang flashlight 

lamang ng cellphone niMark ang tumatanglaw sa kanilang 

dinaraanan. Nang walang ano ano’ybiglang namatay ang cellphone 

ni Mark.” Asan ka? huwag na huwag kangtatakbo kahit anong 

mangyari ah, huwag mo akong iiwan,” ani Jessa nananginginig na 

sa takot. “Oo, nandito lang ako, akin na kamay mo,” tugon naman ni Mark. Pagkahawak ni Mark ng kamay ni Jessa biglang 

umihip ng malamig at napakalakas na hangin. Dahil sa madilim 

kitang-kita nila ang nakaputing babae na nasa harapan nila. 

Nakayuko ito atnatatakpan ang mukha nito sa hanggang baywang 

niyang buhok. Hindi makagalaw ang dalawa ni hindi man lang sila 

makapagsalita.  Wari’y umurong  na ang kanilang dila, habang 

papalapit ito sa kanila.


Kinabukasan, hindi pumasok ang dalawa dahil maysakit ang mga 

ito.  Hindi rin nila maalala kung paanu sila nakauwi sa kani-

kanilangbahay. Umabot pa ng ilang linggo ang pagkakasakit ng 

dalawa. Dinala na sila sa doctor pero  wala namang makitang 

sakit sa dalawa. Hindi rin sila makausap ng matino, minsan may 

mga sinasabi silang hindi naiintindihan. Sinubukan ng kanilang 

mga magulang na ipatingin sa albularyo ang dalawa. Dito napag-

alamang  namaligno ang dalawa. May isinagawang ritwal ang 

matandang albularyo.  Pagkaraan ng ilang araw,gumaling na  rin 

sina Mark at Jessa. Mula noon  nangupahan na lamang sila sa 

sentro, malapit sa eskwelahan para hindi na nila 

kailangang umuwi tuwing hapon sa kanilang  napakaliblib na lugar.