ANG
TUTUBI AT ANG PARUPARO
Isang
araw habang naghahanap ng makakain si
tutubi nakita siya ni paruparo na naninipsip sa mga nektar ng nagagandahang mga
bulaklak.
“Oy,
tutubi san ka pupunta? Halika muna dito
at tingnan mo ang aking makulay na pakpak.” Sabi ng paruparo habang paikut-ikot
sa harap ng tutubi.
“Wala
akong oras kaibigang paruparo, kailangan ko pang maghahanap ng makakain at
ako’y nagugutom na,” sagot naman ng tutubi.
“Sus!
Naiinggit ka lang sa maganda kong pakpak eh. Tingnan mo nga iyang sayo walang kakulay-kulay,” pang-uuyam pa ng paruparo.
“ Wala
akong magagawa dahil ito ang ibinigay ng Diyos sa akin at saka isa pa kuntento ako sa kung anu ang meron ako. At
saka sa halip na magyabang ka ,
magpasalamat ka dahil nabigyan ka nito na wala sa iba,” mahabang litanya ng
tutubi.
“Ay
, wala akong pakialam sa sinasabi mo tutubi, basta ang mahalaga sa
akin ako ang may pinakamagandang pakpak.”
Pagyayabang pa rin ng paruparo sabay lipad. Naiwan naman si tutubi na
napapailing na lang sa inasta ni paruparo.
Sa sumunod na araw habang namamasyal ang tutubi, nakita niya si
paruparo sa isang tabi at mukhang malungkot.
“Oh ,
kaibigang paruparo bakit ka malungkot
may maitutulong ba ako?” tanong tutubi.
“Tama ka kaibigang tutubi, hindi dapat ipinagyayabang ang meron tayo na wala sa iba at sa halip
magpasalamat. Nasira ang aking pakpak nang hilahin ito ng isang bata kahapon
habang ako’y naglalro sa may hardin,”
malungkot na pahayag ng paruparo.
“Wala
ng magkakagusto sa akin ang pangit na ng pakpak ko, at nahihiya ako sa iyo kaibigang tutubi,” pahayag ng
paruparo.
“Nandito lang ako kaibigang paruparo, hindi
batayan ang itsura sa pakipkipagkaibigan ang mahalaga ay ang nilalaman ng iyong
kalooban.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento